Sale!

Puente de Arco

 25,000.00  20,000.00

“Puente de Arco 1852”
24 x 18in
2020
Acrylic on canvass

Availability: In stock

Ivan Joshua Galleno SKU: ivan-galleno_Puente de Arco-1852_24x18 Category:

Ginawa ang tulay na Arko taong 1852 . Ang kura paroko noon ay si Padre Manuel Sancho, sa panahon mg panunungkulan ni Kapitan (Gobernadorsilyo) Antonio Veluz. Sa mga taong 1850 hanggang 1852 dalawang magkakasabay na tulay na tulad nito ang ginawa sa Bayan ng Tayabas(Tulay malagonlong) at Majajay (Tulay Pigi di natapos) sa ilog olla . Ang tulay na Arko ng Bayan ng Lucban ang napatalang pinakamabilis na natapos ,tumagal lamang ng anim na buwan . Naging tanyag ang mga tulay na katulad nito ng magkaroon ng pagsisiyasat ang mga Arkitekto ng Pamahalaan sa Maynila sa utos ng Gobernador Heneral Antonio de Urbiztondo y Eguia. Ayon sa mga Arkitekto ng Maynila noon, ito ay hindi gumamit “ Prinsipyo ng Siyensiya”

Ang pagbuo nito ay binatay lamang sa sariling kagustuhan ng Kura Parokong nakatalaga doon na si Padre Victoriano Del Moral. Kung kaya ang tulay na ito ay tinaguriang “Fuente Del Capricho” o Bukal ng kakatwang Pagkaibig ang kahulugan, ang mga kura paroko lamang ang may pangunahing naiis na maisagawa ang bagay na ito .

Itinuturing din isang Penomena ang pakatayo nito , dahil sinasabing napakatibay din ng pagkayari at nanatiling nakatayo , sa kabila ng malakas na bagyo at baha na dumaan buhat taong 1873 hanggang sa kasalukuyan.

Buwan ng Marso, 1896 bago maganap ang unang sigaw sa balintawak nagkaroon ng labanan sa Tulay ng Napo sa Nayon ng Kalyaat ang mga Insurekto(Rebelde) at kastila ng tambangan nito ang Commandante ng estado Mayor na si Sr. Alonzo , Tenyente Federico Martinez at anim na Guardia Civil. Kung saan napatay ang tenyente at isa pang Guardia Civil , nasugatan naman si Commandante Alonzo., nabalitaan ang mga pangyayaring ito sa Maynila, agad nagpadala ang Maykapangyarihan ng mga Kawal ng Pamahalaan kastila.

,subali’t doon pa lamang sa tulay ng Arko(Puente Del Capricho) ay pinatigil na ang maraming sundalo kastila,tanging ang Sugong pinonung Commandante lamang nila ang pinatuloy sa bayan upang makipagusap kay Commandante Alonzo at sinabi niya na ang mga nakasagupa nila at ang mga nagsipangharang ay pawang Insurrektos ng Laguna,malaking pasasalamat ng mga Lucbanin sa ginawang pagtatakip ni Commandante Alonzo,naisalba ang bayan ng Lucban sa planong pagsunog ng mga kastila

Taong 1900 matapos makamtan ng Plipinas ang pansamantalang kalayaan ng June 12. 1898 matapos ang mga kaguluhan sa ibat ibang panig ng Sangkapuluan kabilang na ang bayan ng Lucban, Pumasok ang mga amerikano sa bayan, bilang tumatayong panibagong bantang mga kaaway. Dinalang mga katipunerong Lucbanin(Batalyon Banahaw) ang maraming bihag na kastila sa Sampalok. Na ang isa ay nagtangkang tumakas ng naroon pa lamang “tulay ng arko” at agad binaril ng katipunero na siya nitong ikinamatay. Matapos ang digmaan Pilipino /Amerikano tuluyan napailalimang Pilipinas sa pamamahala ng Amerika.

Makalipas ang 40 taon nitong pamamayani ay sumiklab naman ang ikalawang digmaan pandaigdig kung saan Sinira sa pamamagitan ng pagpapasabog ang kalahating bahagi ng ‘Tulay na Arko” Noon Disyembre 24, 1941, ng mga kawal ng USAFFE, Batalyon. Ehenyero ng 1ST Division. Upang mapigilan ang pagdaan ng mga sasakyan pandigma ng mga kawal Hapones sa bayan ng Lucban buhat sa Tayabas upang tugisin ang mga kawal Pilipino na umaatras sa Lusiana Laguna patungong Bataan

Matapos ang pangalawang digmaan Ang tulay na arko ay patuloy parin pinakikinabangan na dinugsungan, lamang ng bakal at kahoy upang madaanan, subali,t dahil sa kawalan ng tabing ay naging mapanganib sa mga dumaraan lalo na kung magtatakip silip. Kung kaya di iilan sa mga Lucbanin ang mga nasawi sa pagkakahulog sa lugar na ito tulad nina Felix Balais,Agapito Cuvinar at isang magdaraan na taga Lumban..

Taong 1974 sa pagsisikap ni Gobernador Anacleto Alcala sa pakikipagugnayan sa Pamahalaang bayan ng Lucban naipagawa ang modernong tulay karatig ng makasaysayan ‘Puente Del Capricho’ na sa kasalukuyan ay naging himpilan ng mga beterano ng ikalawang Digmaan pandaigdig sa tabi nito natayo ang” Bantayog ng mga beterano”at ang modernong tulay sa tabi nito na kasalukuyan ay siyang ginawang tuluyan dinaraanan ng mga mamamayan.

Sinaliksik Leonardo G VILLA
TALA NG KASAYSAYAN NG BAYAN NG LUCBAN Pantaleon nantes published 1952
Makasayayan pook sa bayan ng Lucban published SB-5 2013 by Leonardo G . Villa

Dimensions24 × 18 in

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

Questions and Answers

You are not logged in

×





Scroll to Top