Sale!

Rajah of Lucban

 60,000.00

4ft x 6ft
Acrylic on canvas
2022

Exhibited at Galerya ng Pambyanag Sining in Lucban,Quezon.

Availability: In stock

Ang bayan ng Lucban sa Quezon ay kilala sa mga produktong longganisa, pansit habhab, mga sambalilo na gawa sa buntal at iba pa. Higit na tanyag ang bayang ito sa pagdiriwang ng Pahiyas tuwing ika-15 ng Mayo.

Saan ba nanggaling o hinango ang pangalan ng Lucban? Kung tatanungin mo ang mga taga-Lucban ay isasalaysay nila ng buong-buo kung bakit tinawag na Lucban ang kanilang bayan. Ipinagmamalaki at minamahal nila ang kanilang bayan.

Batay sa kwento, ang pangalan ng bayan ng Lucban ay galing sa salitang suha o ‘pomelo’ sa Ingles. Ayon sa kwento, may tatlong mangangaso na galing sa Majayjay, Laguna ang nakarating sa paanan ng bundok Banahaw. Sila ay naligaw. Ang tatlong mangangaso ay sina Marcos Tigla, Luis Gumba at Lucas Nañawa. Dahil sa sobrang pagod, nagpahinga ang tatlo sa ilalim ng puno. Namataan nila ang isang uwak sa puno. Naniniwala ang tatlo na nagdadala ng malas ang uwak kung kaya sila ay lumipat ng ibang lugar at nagpahinga. Habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno ng suha, nakarinig sila ng mga huni ng ibon. Para sa tatlo, isa itong magandang senyales kung kaya napagpasyahan nila na manatili sa lugar. Tinawag nila itong Lucban (suha). Magsimula noon ay tinawag ng mga tao ang lugar na Lucban.

Ngunit noong matupok ng sunog noong Hulyo 13, 1963 sa ganap na ika-3 ng hapon ang lumang munisipyo ng Lucban , kasama nitong nasunog ang mga lumang dokumento na sanay naipagmamalaki pa ng bayan ng Lucban na inaalagaan ng mahabang panahon.Kasamang natupok ang lumang pirma ng kauna-unahang pinuno ng bayan ng Lucban na si Kgg. Marcos Tigla.

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Rajah of Lucban”
This site uses User Verification plugin to reduce spam. See how your comment data is processed.

Questions and Answers

You are not logged in

Shopping Cart
Scroll to Top